-- Advertisements --

Nag-alok si Turkish President Recep Tayyip Erdoğan na maging host ng pag-uusap sa pagitan ng Russia, Ukraine at maging ang United Nations.

Ito ang naging laman ng pag-uusap sa telepono ni Erdogan at Russian President Vladimir Putin.

Sinabi nito na kailangan ni Putin na gumawa ng hakbang para mabawasan ang negatibong epekto ng giyera.

Mahalaga aniya na muling mabuhay ang kapayapaan sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Huling nagkausap ang mga representative ng Russia at Ukraine sa Istanbul noong Marso 29.