CEBU CITY – Ininagurahan ngayong ang Bantayan Island Airport na posibleng maging daan par mas uunlad pa ang turismo sa lugar dahil magiging accessible na ito sa pamamagitan ng mga biyaheng panghimpapawid.
Ikinatuwa ng Local Government Unit (LGU) sa naturang dahil mapapabilis na ang pagpunta sa Bantayan Island para sa mga turista at sa mga mismong taga Bantayan na uuwi sa kanilang bayan.
Kabilang sa dumalo sa naturang inaguration si Presidential Spokesperson Harry Roque, Cebu Provincial Governor Gwendolyn Garcia, Presidential Assistant to the Visayas Michael Lloyd Dino, Department of Tourism sa Central Visayas (DoT-7) Director Shalimar Talino, Mactan Cebu International Airport Authority General Manager Atty. Steve Dicdican at ang mga Local Chief Executives sa bayan ng Bantayan, Madridejos at Sta. Fe.
Kaugnay nito, inaasahang mas mapapabilis pa ang pagbangon sa ekonomiya ng Bantayan Island ngayong panahon ng pandemya sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng turismo kasabay ng pagsunod sa mga safety protocols laban sa coronavirus.