-- Advertisements --

Iginiit ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat na ang surge ng COVID-19 infections sa bansa ay hindi resulta nang pagbubukas ng tourism sector.

Ayon kay Puyat, kapag nagkakaroon nang pagtaas sa bilang ng COVID-19 cases sa tourism sites sa bansa ay kaagad siyang nakikipag-ugnayan sa mga local government unit heads na nagtitiyak naman sa kanya na hindi ito bunsod ng pumapasok na mga turista, kundi dahil sa mga locals.

Inihalimbawa ni Puyat ang Baguio, kung saan tumataas ang cases ng COVID-19 dati pero ayon naman aniya kay Mayor Benjamin Magalong ay resulta ng iba’t ibang factors at hindi dahil sa tourism.

Magugunitang palaisipan ang papel ng tourism sector sa surge ng COVID-19 cases lalo na at may mga napaulat na mga turistang pinipeke ang resulta ng kanilang COVID-19 tests para lamang makabiyahe.

Ayon kay Puyat, nasa LGU na kung anong travel protocols at restrictions ang kanilang ipapatupad.