-- Advertisements --

Na-upset ng Tunisia ang World Cup defending Champion France 1-0 sa kanilang paghaharap sa nagpapatuloy na FIFA World Cup sa Qatar.

Tanging si France-born Wahbi Khazri ang nakapagtala ng goal para sa ranked 30 na Tunisia sa Group D match na ginanap sa Education City Stadium sa loob ng 58 minuto.

Kahit na siyam na beses na nagpalit ng mga manlalaro ang ranked number 4 na France ay hindi pa rin nila nakayanan na maitabla ang laban.

Hindi kasi ibinilang ang goal ni Antoine Griezmann matapos na i-review ito sa virtual assistant referee (VAR).

Ang nasabing shocking victory ng Tunisia ay hindi pa rin sapat para makasali sila sa last 16 dahil sa nanguna pa rin ang France sa Group D matapos na talunin ng Australia ang Denmark 1-0.

Ang French Les Blues kasi ay unang koponan na nakapasok sa next round matapos na magwagi sa dalawang opening games nila.