Umapela si German Chancellor Angela Merkel sa buong mundo na tulungan ang mga Afghans na tumakas sa Kabul, Afghanistan.
Nagbabala si Merkel na ang mga tumatakas na Afghan mula sa Taliban patungo sa mga kalapit na bansa ay maaaring makapunta sa Europa at muling mangyari ang 2015 migrant crisis kung saan hindi sila makakuha ng sapat na humanitarian assistance.
Tinawag ni Merkel na “bitter development” ang pagbagsak ng Kabul sa mga kamay ng Taliban.
Napag-alaman na binuksan ng Germany ang mga borders nito anim na taon na ang nakalipas sa mahigit sa isang milyong mga migrante, na kinabibilangan ng mga Syrian at Iraqis na tumakas sa giyera at kahirapan.
Samantala, nananawagan naman ng “pag-uusap” ang UN Security Council upang lumikha ng isang bagong gobyerno sa Afghanistan at tapusin ang labanan at pang-aabuso.
Naglabas ng pahayag ang 15-member council na sumang-ayon sa apela ni Guterres na “gamitin ang lahat ng mga tool na magagamit” upang sugpuin ang pandaigdigang banta ng terorista mula sa Afghanistan at ginagarantiyahan ang paggalang sa mga karapatang pantao.
Ayon kay Guterres, hindi maaari at hindi dapat talikuran ng mga tao ang Afghanistan.