-- Advertisements --

ILOILO CITY- Patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad matapos tumakas ang isang health worker na positibo sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa Alimodian, Iloilo.

Ang nasabing health worker kasi ay umuwi sa kanyang pamilya kahit hindi pa lumabas ang resulta ng reverse trancription polymerase chain reaction (rt-pcr) test.

Kabilang ito sa limang health workers sa bayan ng Alimodian na nagpositibo sa COVID-19 matapos mahawaan ni WV 175 na isang locally stranded individual.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Alimodian Mayor Geefre Calay Alonsabe, naging emosyonal ito sa kinahinatnan ng mga health workers.

Napag-alaman na sabay-sabay na nagpositibo sa COVID-19 ang mga ito matapos pinaniniwalaang nahawaan ng virus nang hinubad ng isa sa mga ito ang kanyang suot na personal protective equipment.