-- Advertisements --
MASBATE NPA ATTACK

Ipinangako ng Department of National Defense (DND) at Armed Forces of the Philippines (AFP) na tuluyan na nitong susugpuin ang mga natitira pang puwersa ng komunistang grupong New People’s Army.

Tiniyak ito ng kagawaran sa isang pahayag kasabay ng mariing pagkondena sa magkakasunod na pag-atake ng NPA sa ilang bahagi ng lalawigan ng Masbate kung saan gumagamit pa ang mga ito ng mga improvised explosive devices malapit aas mga paaralan at pampublikong lugar na naglalagay sa peligro ang buhay ng marami kabilang na ang ilang uniformed personnel, at inosenteng mga sibilyan.

Ayon sa DND, ang mga karahasang ito ay nagpapakita lamang ng pagiging desperado ng naturang komunistang teroristang grupo na ipakita ang kanilang pwersa sa kabila ng kanilang patuloy na paghina.

Dahil dito ay binigyang-diin ng DND kasama ang AFP ang kanilang patuloy na pagtupad sa kanilang mandato na tiyaking maprotektahan ang ating mga kababayan laban sa ganitong uri ng mga karahasan ano man ang mangyari.

Kung maaalala, kabilang ang barangay Cawayan, barangay Locso-on Placer, at barangay Gaid, Dimasalang sa mga una nang napaulat na inatake ng mga miyembro ng NPA kung saan nakasagupaan ilang tropa ng militar.