-- Advertisements --
Gatchalian
Sen. Sherwin Gatchalian (PRIB Photo by Albert Calvelo)

Hinikayat ni Senador Sherwin Gatchalian ang gobyerno na tugunan ang problema ng bawal na pangangalakal upang makakolekta ng mas maraming buwis ang pamahalaan para madagdagan ang kita nito sa kabila ng mahigpit na pagba-budget.

Nauna nang bimigyang-diin ni Gatchalian na sa halip na magpataw ng mga bagong buwis, kailangang pagbutihin muna ng mga ahensyang nangongolekta ng buwis tulad ng Bureau of Internal Revenue (BIR) at Bureau of Customs (BOC) ang tax administration dahil hindi magandang senyales ito para sa mga tumutupad sa kanilang obligasyon sa gobyerno.

Ayon pa sa Senador, sa oras na magtaas ng buwis ang bansa, at hindi naman maayos ang pangongolekta ng buwis, parang pinaparusahan na rin ang mga nagbabayad ng buwis.

Dapat aniyang tugunan ang ipinagbabawal na kalakalan o napakahirap na bigyang katwiran ang mga bagong buwis dahil may mga taong kumikita ng bilyun-bilyon kada taon dahil lang sa ipinagbabawal na kalakalan.

Iginiit din ng senador na bagama’t lubos nitong sinusuportahan ang layunin ng pagtaas ng koleksyon ng kita, ang gobyerno ay dapat magpatibay ng mga mekanismo na magbabawas, kung hindi man tuluyang hihinto, sa ipinagbabawal na kalakalan.

Iminungkahi ni Gatchalian na dapat kunin ng mga collecting agencies ang suporta ng iba’t ibang local government units (LGUS) sa pagsasagawa ng kampanya laban sa kalakalang ipinagbabawal ng pamahalaan.