CAUAYAN CITY- Sinusuportahan ng tagapagsalita ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) ang mungkahing 4 day week work arrangement at gawing optional at hindi mandatory.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Allan Tanjusay, tagapagsalita ng TUCP kanyang inihayag na kanilang sinasang-ayunan ang mungkahing kasabay ng pagtaaas ng sahod ng mga manggagawa ay gagawin na lamang na apat na araw ang pagtatrabaho sa loob ng isang linggo.
Ngunit kinakailangan na mayroong consultation ang mga employers o business owners sa kanilang mga manggagawa at kapag hindi sang-ayon ang mga manggagawa ay hindi ito maaring ipatupad.
Hindi anya maaaring sapilitan o mandatory ang naturang work arrangements.
Dapat din anya na hindi maapektuhan ang sahod ng manggagawa kapag ipinatupad ang 4 day week arrangement.
Nilinaw naman ni Tanjusay na magkakaiba ang proposal para sa wage increase petition sa bawat rehiyon at non-negotiable ang kanilang proposal sa NCR.