-- Advertisements --

Inihayag ni US President Donald Trump na pumayag ang Iran sa pag-inspeksiyon ng kanilang nuclear facilities nang “infinite” o walang hanggan.”

Subalit agad itong itinanggi at pinalagan ng Iran.

Sinabi ni Trump sa kaniyang online account na ganap na sumang-ayon ang Iran sa nuclear inspections sa hinaharap.

Iginiit din niya na ang mga bilyong dolyar na frozen assets ng Iran na palalayain ng US ay gagamitin lamang para pambili ng pagkain at medikal na suplay mula sa mga US company.

Subalit tahasang itinanggi ng Iran ang mga claims ni Trump. Sinabi ng mga opisyal ng Iran na hindi pa nila sinisimulan ang pormal na pag-uusap ukol sa kanilang nuclear program sa ginanap na pulong sa Switzerland.

Sinabi rin ni Ali Bahreini, ang ambassador ng Iran sa UN sa Geneva, na ang Iran ang magpapasya kung paano nila gagastusin ang kanilang sariling pondo, taliwas sa sinasabi ni Trump.