-- Advertisements --
Plano ni US President Donald Trump na sumama sa gagawing pro-Trump rally sa Washington DC.
Pangungunahan ito ng grupong The Proud Boys ang nasabing rally.
Binalaan sila ng mga kapulisan sa Washington na dapat iwan ng mga protesters ang kanilang mga baril sa bahay para hindi sila arestuhin.
Tinatawag ang nasabing protesta bilang “Million MAGA March”, “Stop The Steal” Protest at “March For Trump”.
Sa kaniyang Twitter, inihayag ni Trump na baka magtungo ito sa gagawing kilos protesta at kumustahin ang kaniyang suporters.
Isasagawa ang nasabing kilos protesta ngayong weekends.