Pinag-aaralan ni US President Donald Trump ang panibagong proposal ng Iran na layuning maresolba ang sigalot ng dalawang bansa sa loob ng 30 araw at tuluyang wakasan ang giyera sa halip na palawigin lamang ang ceasefire.
Bagamat, nagpahayag din ng pagdududa si Trump kung hahantong ito sa kasunduan.
Batay sa ulat ng state-linked media sa Iran, kabilang sa 14-point proposal ang pagtigil ng labanan, pag-alis ng sanctions ng U.S., pagtatapos ng naval blockade, pag-withdraw ng puwersa sa rehiyon, at paghinto ng lahat ng opensiba kabilang ang operasyon ng Israel sa Lebanon.
Ipinadala umano ng Iran ang sagot nito sa pamamagitan ng Pakistan, na dati nang nagsilbing tagapamagitan sa negosasyon ng dalawang bansa.
Samantala, nanindigan ang Iran sa posisyon nito sa Strait of Hormuz at sinabing hindi ito uurong sa usapin habang nagpapatuloy ang ceasefire o tigil-putukan sa loob ng tatlong linggo.















