-- Advertisements --

Walang ipinapakitang anumang sintomas ng COVID-19 si US President Donald Trump mula ng ito ay makalabas sa pagamutan at makabalik na sa White House.

Sinabi ng kaniyang doctor na si Sean Conley, sinuri nila ang US President habang nasa White House.

Nakapagpahinga umano ang US President sa kaniyang bahay at stable ang mga vital signs nito.

Sa kabuuan aniya ay tuluyan ng bumubuti ang kalagayan ng US president.