-- Advertisements --

Mas tumindi pa ang pag-atake ni US President Donald Trump laban kay dating South Carolina Governor Nikki Haley isang araw bago ang gagawing Republican primary sa New Hampshire.

Sa isinagawang rally ni Trump sa Manchester ay nanawagan ito ng maraming boto.

Sa loob ng 90 minuto talumpati nito ay hindi maiwasang atakihin si Haley at si US President Joe Biden.

Inakusahan pa nito ang kapwa Republican presidential candidates na pakawala ng ibang partido ang Democrats.

Nalito pa si Trump at napagkamalan pa si Haley bilang si dating House Speaker Nancy Pelosi.

Magugunitang nanguna pa rin si Trump sa nagdaang Iowa primary na sinundan ni Florida Governor Ron DeSantis habang nasa pangatlong puwesto si Haley.