-- Advertisements --

Naghain si dating US President Donald Trump ng kaniyang personal financial disclosure report.

Inihain nito ang nasabing dokumento sa Federal Election Commision kung saan nag-aalok sa publiko para makita ang kalagayan ng kaniyang pananalapi.

Ang nasabing report aniya ay para maiwasan nito na magbayad ng $200 na multa matapos na hindi maabot ang deadline para makapaghain ng kaniyang financial report na kailangan sa 2024 election.

Magugunitang maagang nagpahayag si Trump ng muling pagtakbo sa pagkapangulo sa darating ng 2024 elections.