-- Advertisements --

Nagbilin na umano si US President Donald Trump sa kanyang advisers na bombahin ang Iran kung siya ay mapaslang.

Sa isang panayam, sinabi ni Trump na kung may mangyari sa kanya, dapat umanong bombahin ang Iran sa antas na hindi pa nito naranasan.

Matatandaang noong Pebrero 2025, nauna na ring sinabi ni Trump na “mabubura” ang Iran kung siya ay papatayin.

Bagama’t itinanggi niya ang mga ulat tungkol sa panibagong plano ng Iran na ipapatay siya, iginiit ni Trump na matagal na siyang pangunahing target ng Tehran.

Matatandaang nagbanta ang Iran na gaganti kay Trump matapos ang ipinag-utos nitong drone strike noong 2020 na ikinamatay ni Qassem Soleimani, dating kumander ng Quds Force ng Iran.