-- Advertisements --

Ibinunyag ng White House na mayroong dalawang linggong palugit si US President Donald Trump para magdesisyon kung ito ay manghihimasok sa kaguluhan sa pagitan ng Iran at Israel.

Sinabi ni White House press secretary Karoline Leavitt na patuloy ang ginagawang pagmamatyag ng US sa anumang nagaganap sa dalawang bansa.

Naniniwala aniya si Trump na mayroong posibilidad na magkaroon ng negosasyon sa dalawang bansa.

Makilang ulit na nanawagan si Trump na dapat idaan sa usapan ng Israel at Iran para tuluyan ng matigil ang kaguluhan.

Una ng sinabi ng Iran na kanilang papanagutin ang mga mga bansang mangingialam sa laban nila ng Israel.