Nakahanda umano si President Donald Trump na gumanti sa China sa oras na ituloy nito ang lalo pang paghihigpit ng seguridad sa Hongkong.
Inanunsyo kasi ng Chinese government ang pagsusulong nito sa national security legislation sa naturang lungsod na kanilang ilalatag sa gaganapin na ‘rubber stamp’ parliamentary sessions na nagsimula nang umarangkada kahapon.
Sisimulan na raw pag-usapan ng Chinese parliament ang pagpapanatili ng kapayapaan sa Hongkong kasunod ng nagpapatuloy na malawakang kilos-protesta sa lungsod sa kabila ng outbreak.
Nitong mga nagdaang araw ay walang tigil ang pag-atake ni Trump sa China dahil sa coronavirus pandemic kung saan tahasan nitong sinisisi si Chinese president Xi Jinping dahil sa maling impormasyon na kanilang pinapakalat tungkol sa virus.