-- Advertisements --

Ikinokonsidera ni US President Donald Trump ang pagtatapos o “winding down” ng mga operasyong militar laban sa Iran.

Ito ay dahil malapit na umanong makamit ng Estados Unidos ang kanilang mga layunin sa Middle East.

Ipinahiwatig din ni Trump na maaaring tapusin na ang malaking operasyong militar sa Iran dahil sa matinding dagok na naibigay sa kanila.

Kasabay nito, pansamantalang niluwagan ng Amerika ang sanctions sa pagpapadala ng langis ng Iran upang matugunan ang krisis sa suplay.

Sa kabila naman ng pahayag ng pagtatapos ng digmaan, may mga ulat pa rin ng mga bagong atake ng drone at missile sa pagitan ng Iran, Saudi Arabia, at Israel.

Binanggit din ni Trump na ang ibang mga bansa ang dapat magbantay sa Strait of Hormuz kapag natapos na ang banta ng Iran.

Ang pahayag na ito ng US President ay matapos ang ilang linggong matinding airstrikes at military operations sa rehiyon.