-- Advertisements --

Ibinunyag ng isang judge sa New York na guilty si dating US President Donald Trump at anak sa panlilinlang.

Sinabi ni Judge Arthur Engoron, na nagsinunagling ang dating pangulo sa kaniyang financial statements.

Lahat aniya ng mga financial statements ng Trumps na ibinahagi sa mga lenders at insurers ng mahigit ng ilang dekada ay walang katotohanan at makailang beses umano sila nasangkot sa pagsisinungaling.

Dahil dito ay hinihingi ng attorney general ng pagbayarin si Trump ng $250 milyon bilang damyos, pagbawalan ang mga ito na manilbihan bilang officers sa mga negosyo sa New York at patigilin ang kumpanya nila na gumawa ng mga transaksyon sa loob ng limang taon.

Mariing itinanggi ng kampo ni Trump ang alegasyon at sinabing pawang mga pamumulitika lamang ang nasabing paratang sa kaniya.