-- Advertisements --
TRUMP 911 ANNIVERSARY

Magkaiba ang naging paraan nina US President Donald Trump at Democratic nominee Joe Biden sa paggunita ng 9/11 attack sa Estados Unidos.

Labing-siyam na taon na ang nakararaan matapos ang ginawang pag-atake ng grupong Al Qaeda sa World Trade Center. Nagtungo ang dating bise presidente ng Amerika sa New York City para daluhan ang taunang event na umaalala sa 3,000 katao na namatay sa insidente.

Hindi naman nagpunta si Trump sa New York bagkus ay pinapunta na lamang niya doon si Vice President Mike President.

Mas pinili ng Republican president na magtungo sa Shanksville, Pennsylvania kung saan bumagsak ang isang eroplano matapos subukang pigilan ng mga pasahero nito ang hijackers.

Tahimik na nakinig ang mag-asawang Trump habang sinasambit ang pangalan ng 40 pasahero at crew na lulan ng Flight 93 kasabay ng patunog ng kampana.