Magiging “medically-based metrics” ang bagong guidelines na inilabas ni President Donald Trump para gamiting basehan ng state governors sa pagbuo ng plano upang buksan muli ang kanilang mga estado.
Inanunsyo ng Republican president ang bipartisan advisory council na ito katuwang ang mga Democratic at Republican lawmakers habang ginagawa ang naturang guidelines tungkol sa unti-unting pagtanggal ng social distancing at muling pagbubukas ng ekonomiya ng Amerika sa kabila ng coronavirus crisis.
Ang bagong guideline ay tinawag na “Opening Up America Again.”
Ayon kay Trump, habang patuloy ang ibang gobernador na irekomenda ang stay-at-home order ay maaari namang magbukas muli ang ibang parte ng Amerika bago matapos ang Abril 30.
Kasama sa bagong guidelines na ito ay ang mga restaurants, bars, pampublikong lugar at sporting events.
Suportado naman nina Dr. Deborah Birx, Dr. Anthony Fauci at Dr. Robert Redfield ang mga patnubay na ito.