-- Advertisements --

Nag-isyu ngayon ang Supreme Court ng temporary restraining order (TRO) laban sa pagkanseal ng Commission on Elections (Comelec) ng certificate of candidacy ng isang senatorial aspirant.

Pinagbigyan ng kataas-taasang hukuman ang petisyon na inihain ni Norman Codero Marquez na idineklarang nuisance.

Sa TRO na inilabas ng SC, sinabi nitong ang petisyon ay may sapat na porma at substance.

Dahil dito, inatasan ng Korte Suprema ang Comelec na magkomento sa naturang petisyon sa loob ng non-extendible period na 10 araw kapag natanggap na ng komisyon ang notice.

Ang TRO ay inisyu effective immediately at ito ay tuloy-tuloy hanggang wala pang bagong utos ang korte.