CENTRAL MINDANAO- Patay ang isang tricycle driver at anim sa kanyang pamilya ang nasugatan sa vehicular accident sa Kidapawan City.

Nakilala ang biktima na si Bejie Acquisa,residente ng President Roxas North Cotabato.

Sugatan naman sina Lenie Bendon Magbanua, 52-anyos,Rodolfo Magbanua, 57-anyos,Roselyn Magbanua Acquisa, 33,Bella Magbanua Acquisa, 6-anyos,Brialle Acquisa, 3-anyos at Aiai Talium, 13 at pawang mga residente ng Barangay Del Carmen, Pres. Roxas Cotabato.

Ayon kay Kidapawan City Traffic Management Unit (TMU) Chief,Rey Manar na nag-overtake umano ang Ford Ranger Pick-up,mawala ng kontrol ang driver sa manobela at inararo nito ang kasalubong na tricycle.

Natulog sa gilid ng National Highway sa KM 114 Barangay Paco Kidapawan City ang tricycle at Pick-up.

Patay on the spot si Acquisa nang magtamo nang maraming sugat at bali sa katawan habang dinala sa pagamutan ang kanyang mga pasahero samantala ligtas naman ang driver ng pick-up na si Eugene Niedo at mga kasama nito.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Traffic Unit ng pulisya sa Kidapawan City sa nangyaring vehicular crash.