-- Advertisements --

NAGA CITY – Patay ang isang tricycle driver matapos na pagbabarilin sa Lucena City.

Kinilala ang biktima na si Randy Baldonado, 33-anyos, residente ng Brgy. Ibabang Dupay sa nasabing lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na habang binabagtas ng biktima sakay sa kaniyang tricycle ang kahabaan ng Old Maharlika Highway patungo sa sentro ng nasabing bayan ng bigla na lamang itong pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek na naging dahilan ng agaran nitong pagkamatay.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, napag-alaman na agad na tumakas ang suspek sa hindi pa malamang direksyon matapos ang insidente.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa nasabing pangyayari maging ang pag-alam sa posibleng pagkakakilanlan at kinaroroonan ng suspek.