-- Advertisements --
Binasag na ng rapper na si Travis Scott ang kaniyang katahimikan matapos ang nangyaring trahedya sa Astroworld festival noong 2021.
Sa nasabing insidente sa Houston, Texas ay 10 katao ang nasawi at ilang daan ang sugatan ng magtulakan ang mga fans na makalapit sa stage habang kumakanta ang rapper.
Sinabi ng rapper na labis itong nalungkot sa pagkawala ng maraming buhay.
Itinuturing kasi niyang mga pamilya ang lahat ng kaniyang fans.
Aminado nito na hindi niya alam na mayroong ganoon na pangyayari hanggang matapos na ang kaniyang performance.