-- Advertisements --

Pumalo na sa humigit kumulang 423 katao ang binigyan ng medical assitance ng Philippine Red Cros mula sa paghahanda hanggang sa aktwal na Traslacion ng Itim na Nazareno.

Ayon kay Sen. Richard Gordon, chairman ng Philippine Red Cross (PRC), mula Enero 8 hanggang kaninang alas-9:00 ng umaga, apat na pasyente ang kanilang isinugod sa ospital at siyam naman ang kanilang tinulungan matapos mahirapan makahinga at mawalan ng malay.

Aabot naman sa 60 katao ang tinulungan nila matapos na magtamo ng mga minor injuries, 10 ang binigyan ng psychological aid, at 340 naman ang nakaranas ng pagtaas ng kanilang presyon.

Sinabi ni Gordon na 1,000 volunteers ang kanilang ikinalat at nagpuwesto naman ng 13 first aid stations at welfare desks.

Bukod dito, isang Emergency Medical units din ang kanilang itinayo; 15 ambulansya ang ikinalat; 32 ang ambulansyang naka-standby; dalawa ang water tankers; tatlo ang rescue boats; isang amphibian; isang rescue truck; isang fire truck; at isang Humvee, 6×6.

Dagdag pa nito, naka-standby din ang Philippine Red Cross WASAR teams sa Pasig River malapit sa Ayala Bridge.