-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Labis ng apektado ang transportasyon sa Hong Kong dahil sa walang tigil na kilos-protesta doon ng mga raliyesta.

Ayon kay Bombo international correspondent Merly Bunda, 52, 29 taon nang OFW at taga-Dingle, Iloilo, ibinahagi nitong naglakad na lamang sila na umabot ng apat na kilometro dahil paralisado ang mga byahe ng bus, taxi at tren dahil inokupa ito ng mga raliyesta nitong nakalipas na Lunes.

Umaabot aniya sa 230 na transportation companies ang nagsuspinde ng kanilang operasyon.

Dagdag ni Bunda, magpapatuloy umano ang kilos-protesta ng mga mamamayan dahil walang katiyakan kung ibibigay ba ni Chief Executive Carrie Lam ang hinihingi ng mga itong i-abolish ang extradition bill, maliban pa dito ang panawagang magbitiw na ito sa pwesto.

Sa ngayon, nagbigay na aniya ng abiso ang konsulada ng Pilipinas sa mga OFWs sa Hong Kong kaugnay sa mga lugar na sentro ng mga protesta upang makaiwas sa gulo ang mga ito.