-- Advertisements --

Isinisi nga ng ilang transport groups sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang isyu ng hindi pa rin naibibigay na subsidiya sa mga tsuper.

Ayon kay Lando Marquez, Presidente ng Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas (LTOP), dapat noon pa raw ay inasikaso na ng LTFRB na kinuhanan ng permit ang pamamahagi ng fuel subsidy sa mga tsuper at operator kahit na may election spending ban.

Aniya sa ngayon daw kasi ay marami pa ring drivers ang hindi pa rin nakakatanggap ng fuel subsidy.

Kabilang na rito ang mga taxi at TNVS drivers ang hindi pa rin nakatatanggap ng subsidiya.

Sa ngayon hinihintay na ng LTFRB ang direktiba ng Commission on Elections (Comelec) para ituloy ang pamamahagi ng subsidiya para sa mga public utility vehicle drivers at operators matapos suspendehin noong Marso 25 dahil na rin sa spending ban.

Lumalabas na sa 264,578 na benepisaryo ng naturang programa, nasa 109,080 ang drivers ng public utility jeepneys (PUJs) habang 1,207 naman ang drivers ng public utility buses (PUBs).