-- Advertisements --

Hinimok ng isang transport group ang mga opisyal ng bansa na seryosong i-monitor ang pagbibigay ng tulong para sa kanilang hanay.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Manibela chairman Mar Valbuena, sinabi nitong sa ilang pagkakataon, may inilalabas na mga listahan ng recipient para sa ayuda, ngunit sa katotohanan ay wala namang nakakarating sa ibang driver.

Para kay Valbuena, dapat na tinitiyak ng pamahalaan na nakararating sa tamang benepisaryo ang anumang tulong, para hindi maaksaya ang pondo na nanggagaling sa kaban ng bayan.

Sa kasalukuyan, malaking bilang pa rin umano ng mga nasa transport sector ang naka-abang sa ipinangakong tulong, mula pa nang mangyari ang COVID-19 pandemic.