Nagpahayag ng pagkadismaya ang Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide (PISTON) sa nagbabantang pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo sa darating na linggo.
Ito ay batay sa oil industry source na binase sa trading mula Hulyo 10 hanggang 13, na maaaring tumaas ang presyo kada litro ng diesel ng P1.80 hanggang P2.00.
Samantala, ang presyo ng gasolina ay maaaring i-adjust pataas ng P1.50 hanggang P1.70 kada litro.
“Sa atin, talagang nakakagalit dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petroloyo dito sa ating bansa. Ngayong darating na Martes, halos kulang-kulang P2 ang panibagong itataas sa presyo ng diesel at gayon din sa presyo ng gasolina na kung saan ito ay magdudulot talaga ng pagliit ng kita ng ating mga driver at operator,” ayon kay PISTON national president Mody Floranda.