-- Advertisements --
image 22

Inihayag ni Greek Prime Minister Kyriakos Mitsotakis na isang “tragic human error” ang responsable para sa banggaan ng tren sa Larissa Greece na nag-iwan ng hindi bababa sa 38 katao na nasawi sa pinakamasamang trahedya tren sa kanilang bansa.

Ang apat na bagon ng pampasaherong tren ay nadiskaril kaya nangyari rin ang naturang aksidente.

Ayon sa tagapagsalita ng fire brigade ng Greece na si Vassilis Vathrakogiannis, 342 na katao ang lulan ng dalawang tren na nagbanggaan.

Idinagdag pa ng fire department na 57 katao ang naospital pa, anim sa kanila ang nasa intensive care, habang marami pa rin ang nawawala.

Una ng inihayag ng kanilang Transport Secretary na luma na umano ang railway system ng Greece na isa sa dahilan ng naganap na aksidente.