Kinuwestyon ngayon ng toxics watchdog group NA EcoWaste Coalition ang talamak na bentahan online ng mga hindi awtorisadong glutathione IV drips maging ng iba pang mga produktong pampaputi.
Ayon sa grupo , ang karamihan sa mga injectable product na binebenta online ay walang authorization mula sa Food and Drug Administration.
Sa monitoring ng EcoWaste Coalition , kabilang sa mga nagkalat online ay ang mga unapproved’ injectable glutathione pati na ang glutathione capsules, pills, at gummies.
Sa isang pahayag, sinabi ni Aileen Lucero, National Coordinator ng EcoWaste Coalition, na sa pamamagitan ng salestalk ay pinalalabas ng mga online seller na ito ay ligtas at may kalidad ang kanilang mga produkto.
Tinukoy rin ni Lucero , ang naging pahayag ng Department of Health na hindi nila aprobado ang pagbibigyab ng injectable glutathione o gluta-drip bilang pampaputi o pampaganda ng balat o kutis.
Sinabi rin ng FDA na hanggang sa ngayon ay wala silang aprobadong injectable products para sa pagpapaputi.
Kaugnay nito, hinikayat ng grupo ang mga Pilipino na huwag nang tangkilikin ang ganitong uri ng mga produkto sa halip ay yakapin na lamang ang totoong kulay bilang Pilipino.