Nag-explore ang gobyerno ng Pilipinas ng mga global practices upang matukoy kung paano pinakamahusay na ipatupad ang mga refund ng buwis para sa mga turista.
Nauna nang inaprubahan ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr ang tax refund para sa mga turista matapos itong irekomenda ng Private Sector Advisory Council (PSAC) Tourism Sector Group.
Nakatakda itong magkabisa sa 2024.
Ayon kay Finance Secretary Benjamin Diokno posibleng mag-tap ang gobyerno ng isang third-party contractor.
Sinabi rin ni Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Romeo Lumagui Jr. na ang ahensya ay tumitingin ng mga hakbang upang mapabuti ang pagbuo ng kita upang mabawi ang mga potensyal na pagkalugi mula sa mga refund ng buwis.
Sinabi ni Diokno na ang maaaring makatulong ay ang mas mabuting pagpapatupad ng buwis at computerization.