-- Advertisements --
image 733

Malapit nang maabot ng Pilipinas ang 4million na bilang ng mga turistang pumasok sa Pilipinas sa kabuuan ng 2023.

Batay sa pinakahuling datus ng Kagawaran ng Turismo, naabot na ang 3.99million na bilang ng mga turista sa kabuuan ng taon.

Ito ay katumbas ng 84% ng kabuuang target ng ahensiya na 4.8million para sa kasalukuyang taon.

Batay sa datus ng kagawaran, naabot na ng bansa ang P316.9 billion na revenue mila sa mga dayuhang turista sa bansa.

Pinakamarami sa mga dayuhang nagtungo dito sa Pilipinas ay ang mga South Korean nationals na umabot sa 1.04million katao. Ito ay katumbas ng 26% ng kabuuang dayuhang turista sa bansa.

Sumunod naman dito ang US na may 674,209, Japan – 219,855; China – 192,312; at Australia – 185,653.

Kampante naman ang kagawaran na bago matapos ang kasalukuyang taon ay maaabot ng bansa ang kabuuan nitong target.