-- Advertisements --

KALIBO, Aklan—Mahigit sa 201,000 ang naitalang tourist arrival ng Malay Tourism Office noong buwan ng Mayo sa isla it Boracay.

Sa inilabas na datos ng tanggapan, nasa 201,368 ang mga turistang bumisita sa isla kung ihambing noong Abril na umabot lamang sa bilang na 186,751.

Mayorya sa mga bakasyunista ang domestic tourists na nakatala ng 193,298.

Samantala, ang Overseas Filipino Workers at Overseas Filipinos ay halos 3,802 habang ang foreign tourists ay umabot sa 4,268.

Ang tourist arrival ng Abril at Mayo ay naka-surpassed sa pre-pandemic records ng Boracay kung saan, senyales umano ito na nasa normal na ang industriya ng turismo sa itinuturing na tourism crown jewel ng bansa.

Maalala na bago pa man ang lockdown noong Marso 2020, nakatala ng kabuuang 167,070 tourist arrival sa Boracay.

Inaasahan naman ngayong taon ang paglobo ng mga dayuhang turista kasunod sa anunsyo ng Civil Avaition Authority of the Philippines o CAAP Aklan na bumalik na ang 24/7 na operasyon ng Kalibo International Airport mula noong Hunyo 1 ng kasalukuyang taon.