-- Advertisements --

Tumaas ang kita ng sektor ng turismo sa bansa noong 2021.

Ayon sa report ng Philippine Statistics Authority (PSA) na noong 2021 ay mayroong ₱1 trillion ang naitalang kita ng tourism sector na mas mataas ng 9.2 percent kumpara noong 2020 na mayroong ₱917.2 billion.

Paglilinaw pa ng PSA, ang nasabing pagtaas noong 2021 ay hindi pa nalalagpasan ang kita naman bago ang pandemya noong 2019 na mayroong ₱2.5 trillion.

Dahil na rin sa COVID-19 pandemic ay bumagsak ng 75 percent ang kita sa turismo mula pa noong taong 2020.