-- Advertisements --
Ipinagmalaki ng Department of Tourism ang malaking kinita ng sektor ng turismo sa unang quarter ng taong ito.
Ayon kay Tourism Secretary Christina Frasco na aabot sa P168 bilyon ang kabuuang kita ng turismo sa bansa mula Enero hanggang Abril.
Mas mataas ito ng 782.59 percent na kinita ng turismo sa parehas na mga buwan noong 2022.
Sa unang quarter din ng taon ay nakapagtala ng dalawang milyong turista ang bumisita sa bansa.
Nanguna na mga bisita sa bansa ay mula sa South Korea na sinundan ng US, Australia, Canada at Japan.