Pinuna ng Commission on Audit(COA) ang Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority(TIEZA) dahil sa pagbili nito ng mga mahal na kalendaryo bilang year-end corporate giveaways.
Lumalabas kasi sa report ng COA na bumili ito ng mga kalendaryong nagkakahalaga ng P645.00 bawat isa.
Sa kabuuan ay bumili ang Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority ng 750 na piraso ng mga desk calendar at 500 piraso ng mga journal. Ang mga ito ay nagkakahalaga ng kabuuang P940,000.00.
Batay pa sa nasabing report, nagpa-bidding umano ang nasabing ahensiya bago ang pagbili sa mga kalendaryo.
Ang nanalong bidder ay may qoutation lamang na P230 bawat kalendaryo. Ito ay mas malayong mas mababa kumpara sa pinaburan nilang kumpanya na siyang ipinilit pa ring pagkuhanan ng mga nabanggit na kalendaryo.
Dahil dito, pinayuhan ng COA ang Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority na matutong sundin ang ‘principles of economy’ sa mga proyekto nito.
Pinayuhan din ng COA ang nasabing ahensiya na isaalang-alang ang pagsasagawa ng mga pre-bid conference at tiyaking kunin lamang ang pinakamahusay na presyo.