-- Advertisements --

Kinumpirma ni Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) governor at incoming Finance Secretary Benjamin Diokno na magiging BSP deputy governor na si Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat.

Ayon kay Diokno, inaprubahan na rin daw ng central bank Monetary Board ang appointment kay Puyat.

Si Puyat ang magiging ikalimang deputy governor ng BSP.

Batay sa patakaran ang BSP governor at mga miyembro ng Monetary Board ay itinatalaga ng Malacañang, habang iba naman ang sistema sa mga deputy governors at assistant governors dahil kinukumpirma sila ng central bank policy-making body.

Bago pa man naging undersecretary noon sa Department of Agriculture at economic consultant sa Arroyo administration si Sec. Berna Puyat, siya ay dating lecturer sa UP School of Economics mula taong 1994 hanggang 2006.

Nagtapos din siya ng BS Economics cum laude sa University of the Philippines, kung saan naman siya nagtapos ng Master’s degree in economics.