-- Advertisements --
Kinumpirmani Philippine National Police (PNP) chief police director Gen. Ronald Dela Rosa na may umuusbong na bagong drug lord sa Western Visayas.
Ito aniya ang pumalit sa drug lord na si Melvin Odicta ng Iloilo na napaslang ng mga pulis noong nakaraang taon .
Ayon kay Dela Rosa, wala pa sa drug list ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bagong drug lord na ito.
Bukod dito, may isa pang drug lord sa Visayas na namomonitor ang PNP pero nasa listahan naman ito ng Pangulo.
Dagdag pa nito na kahit matindi ang kampanya kontra iligal na droga, may ilan pa rin ang hindi tumitigil sa kanilang iligal na gawain.
Nagbanta si Dela Rosa sa mga ito na maghanda na dahil sila ang susunod na target ng PNP.