-- Advertisements --
image 291

Nakitaan ng pagtaas sa dami ng inaangkat ng Pilipinas na karne mula sa ibang bansa, sa unang limang nakalipas na buwan ng 2023.

Batay sa datus na inilabas ng Bureau of Animal Industry(BAI), umangat ang meat importation sa bansa ng hanggang sa 3.78%, kumpara sa unang limang buwan ng 2022.

Lumalabas sa report ng BAI na umangkat ang Pilipinas ng 478.3Million Kgs nitong nakalipas na limang buwan, habang sa unang limang buwan ng 2022 ay umabot lamang sa 460.9Million kgs.

Pinakamarami pa rin ang karne ng baboy sa mga inangkat ng bansa na mayroong 229.2Million kgs. Ito ay katumbas ng halos 48% sa kabuuang imprted meat sa bansa.

Pangalawa dito ang karne ng manok na nasa 172.6Million kgs, habang umabot lamang sa 53.21Million Kgs ang inangkat ng bansa na karne ng baka sa unang limang buwan ng kasalukuyang taon.

Maliban sa tatlong pangunahing meat products, umangkat din ang bansa ng kabuuang 22.67Million kgs na karne ng kalabaw.

Nakapagtala rin ang BAI ng 139,753Kgs ng karne ng pato na binili sa abroad. ito ay halos 600% na mas mataas kumpara sa import volume noong nakalipas na taon, na mabot lamang sa 20,500kgs.

Samantala, nag-angkat din ang Pilipinas ng mga karne ng tupa, at pabo sa kasalukuyang taon.

Sa kasalukuyan, ang Brazil ang pinakamalaking supplier ng mga meat products sa bansa. Hawak nito ang 31.06% total imported meat sa Pilipinas.