-- Advertisements --
- Pinahiya ng Memphis Grizzlies ang NBA top team na Golden State Warriors, 116-108.
Ito na ang ika-10 straight wins ng Grizzlies (29-14) para sa kanilang franchise record.
Nanguna muli sa opensa ng Grizzlies si Ja Morant na may kabuuang 29 points kabilang na ang limang puntos sa huling limang minuto.
Sa panig ng Warriors ang Splash Brothers na sina Stephen Curry at nagbabalik na si Klay Thompson ay nagpakita ng 27 at 14 puntos.
Natigil naman ang Warriors sa 30-10 record.