-- Advertisements --
Nagtala na ng unang pagkatalo ang Milwaukee Bucks nang masilat sila ng Atlanta Hawks sa kalamangan na 19 points na nagtapos sa score na 117-98 sa pagpapatuloy ng NBA games.
Kumamada ng 25 points, eight rebounds at 11 assist si Dejounte Murray para tuluyang ipahiya ang kampo ng Bucks (9-1).
Habang nasayang naman ang pagpapakitang gilas ng superstar player ng Bucks na si Giannis Antetokounmpo na may 25 points at seven rebounds.
Sa ngayon hawak ng Hawks ang 7-3 na kabilang sa best record sa Eastern Conference.