-- Advertisements --

Pansamantalang pinalaya na ang babaeng Russian tennis player na unang inaresto dahil sa iskandalo sa match-fixing noong nakaraang taon sa French Open.

Una nang inaresto si Yana Sizikova, matapos na siya ay maglaro sa Paris kaugnay sa French Open doubles match.

Pinalaya si Yana pero hindi pa kinasuhan habang patuloy pa ang imbestigasyon.

Ayon sa Paris prosecutor’s office ang 26-anyos na si Sizikova ay itinanggi naman ang alegasyon.

Kabilang sa reklamo kay Yana ay “sports bribery at organized fraud” na posible umanong kinasangkutan nito noong September 2020.

Iniulat naman ng kanyang abogado na labis umano ang pagka-shock ni Yana sa pangyayari dahil mistula siyang kriminal nang arestuhin.

Si Yana ay ranked 101st sa doubles at 765th sa singles sa buong mundo.