BOMBO DAGUPAN – Nahaharap sa kasong 2 counts of statutory rape ang Top 2 Most Wanted Person sa bayan ng Bolinao, Pangasinan dahil sa panghahalay sa isang menor de edad.
Ayon kay PLTCOL. Radino Belly, ang Chief of Police ng Bolinao Police Station, nangyari umano ang dalawang beses na panghahalay noon pang buwan ng Nobyembre taong 2022 ngunit dahil sa pananakot ng suspek, hindi nagawang makapagsumbong ng biktima at nitong buwan ng Abril lamang kasalukuyang taon nagreport ang pamilya ng biktima sa mga pulisya.
Ayon sa salaysay, hinintay umano ng suspek na si Prince Alfie Ramos, 23 anyos na makalapit sa kanya ang menor de edad na biktima saka nito tinutukan ng patalim upang kumbinsihing sumama sa kaniya sa kaniyang bahay kung saan niya ginawa ang kalapastangan.
Sa bayan ng Bani umano nagtatago ang suspek at matagumpay naman itong naaresto sa bisa ng warrant of arrest.
Kasalukuyan na itong nasa kustodiya ng Bolinao Police Station para sa kaukulang disposisyon.