-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Inaabangan na ng mga residente nitong lungsod ang graduation ng PNPA (Philippine National Police Academy) Class of 2021 sa darating na Abril 21, 2021.

Ito’y matapos nanguna sa kanilang batch si Cadet Kenneth Etucas na residente ng Purok 11 Barangay Tinagacan nitong lungsod.

Ayon kay Leonora Etucas, nagbunga ang kanilang hirap sa mga gastusin sa pagpadala sa anak sa PNPA gayong pagsasaka lamang ang kanilang pamumuhay.

Pinasalamatan din nito ang isa pang anak na pulis na sumusuporta kay Kenneth sa dagdag kailangan sa pag-aaral.

Dagdag ng ginang, kanya pang hinihintay ang tawag mula sa kanyang anak para ibalita sa kanila na nag-top 1 ito sa kanilang batch

Posible aniya na uuwi sa GenSan si Police Lt. Kenneth Etucas bago magsimula ang kanyang panungkulan bilang isang opisyal ng Bureau of Fire Protection.

Gaganapin ang PNPA graduation sa Silang, Cavite, sa pamamagitan lang ng online.