-- Advertisements --

Aabot sa $15.9 billion ang itinalagang budget ng Tokyo Olympics.

Ang nasabing halaga ay napagdesisyunan base sa ginawang pagpupulong ng mga organizers.

Bagamat marami ang komokontra dahil sa masyadong mataas ang gastos, itinuloy pa rin ito ng mga organizers.

Hindi na kasi nila makayanan na maantala pa muli ang pinakamalaking sporting event sa buong mundo dahil sa karagdagang gastos na naman.

Tinaasan ng organizers ang kanlang budget para mapunan ang hakbang na kanilang ipapatupad laban sa coronavirus.