-- Advertisements --

Napanatili pa rin ng TNT Tropang Giga ang malinis na tatlong panalo at wala pang talo sa nagpapatuloy na 2021 PBA Philippine Cup.

Tinalo kasi ng koponan ang Phoenix Super LPG sa score, 84-80.

Hawak pa ng Phoenix ang kalamangan sa third quarter hanggang makapasok ang lay-up shot ni Jayson Castro para maagaw ang kalamangan 56-55.

Sa huling segundo ng laro ay muntik ng makuha ng Phoenix ang abanse sa pamamagitan ni Jason Perkins subalit naging mahigpit ang depensa ni Roger Pogoy.

Nanguna sa panalo ng TNT si Troy Rosario na mayroong 15 points, walong rebounds habang si Pogoy ay mayroong 13 points, apat na rebounds at tatlong steals.