-- Advertisements --
Tinambakan ng TNT Tropang 5G ang Titan Ultra 130-92 sa nagpapatuloy na PBA Philippine Cup.
Mula sa simula ay dominado ng TNT ang laro kung saan hindi na hinayaanna makalamang pa ang Titan.
Bumida sa panalo ng TNT si Henry Galinato na nagtala ng 16 points at siyam na rebounds na sinundan ni Mike Nieto na mayroong 15 points at pitong rebounds habang mayroong 14 points si Calvin Oftana.
Pinuri naman ni TNT coach Chot Reyes ang kaniyang mga manlalaro dahil sa ipinamalas nilang matinding depensa laban sa Titan.
















